Puting Rosas ika'y napakadalisay
Taglay mong karikitan ay walang humpay
Halimuyak mo ay sadyang mapang-akit
Ako'y nabihag mo at ika'y inibig.
Sa hardin ng kasaganahan kita unang nasilayan
Nabighani mo ang puso kong matamlay
Kailanman di ko waring hamakin ka
Ngunit hinagpis ang nadarama tuwing di' ka nakikita.
Isang gabi tinangka kang maging akin
Hinagkan ka ngunit di ko naatim
Dugo'y dumaloy sakin' mga pisig
Mali pala ang lubusang umibig.
Di ko lubos maiwari
Sa wagas kong pag-ibig ako'y nakasakit
O' aking Puting Rosas ako'y patawarin
Sa di' pagpigil ng puso kong sabik.
Narito ako muli kang bubuhayin,
Para mapadama tapat kong larangin
Handa kang antayin anu man aking sapitin.
Hanggang sa maatim ang tapat mong damdamin.
Sakin paghihintay may isang Pulang Rosas
Lumapit at tila may gustong ibigkas
Halik at yakap ang aking nasapit
Ngunit sigaw ng puso ika'y iniibig.
Sa kaharian ng pulang rosas
Ako'y nagising na tila walang sapi
Ako'y nakadama ng muling yakap at halik
Sa tindi ng init di sinadyang ako'y nahawi.
Sakin' pagiisa di ko lubos maisip
Bakit tapat kong pag ibig hirap mong tanggapin
Dahil ba sa'ting magkaibang kinagisnan
Na handa naman akong ika'y sabayan.
Sakin paghahanap ng kasagutan
Dasal kong ibigay sakin ng Maykapal
Maaring di ikaw sakin tinadhana
Pero buhay ko sa'yo lamang nakalaan.
Totoo pala ang labis ay masama
At sa pangarap na lang kita makakasama
Sana di ka na lamang nakita
Upang puso ko'y di na lumuha.
Sa libro ng manunulat
Doon ika'y inilathala
Sakin pagwawakas mithi kong iyong ligaya
Salamat sa turo mong labis na pagsinta.
---WAKAS---
